“Sikretong Malupit”   1 comment

A Tagalog couple of the Maharlika nobility cas...

Image via Wikipedia

Share stories of  life. Let others be inspired, reflect and enjoy while reading and feel free to express yourself. 🙂

“SIKRETONG MALUPIT”

            Sariwa pa ang mga tawanan ng mga tao sa paligid niya sa isipan ni Olivia. Si Olivia na nakaupo sa kanyang paboritong silya, hawak ng mahigpit ang mamahaling pulbos na binili pa niya sa isang drugstore malapit sa tinitirhan niya. Nakasilip siya sa malaking bintanang sliding ng kanyang malaking puting kwarto. Sabay ang pagkulog at pagkidlat na tila nakikisabay ang kalangitan sa pagdilim ng kanyang mukha, at para bang sumasabay sa pagpatak ng ulan ang pag-agos ng kaniyang mga luha sa kanyang mukha.

          Si Olivia. Ang Ms. Congeniality ng Ortigas. Kinaiinggitan ng karamihan. Taglay ang angking ganda ng mala prinsesang mukha, tangkad ng isang pang Ms. Universe contestant ng Pilipinas, may angking talino na hinahangaan ng karamihan, dagdagan pa ng isang malakas na karisma sa mga lalaking nakakasalamuha niya. Kung iisipin, perfect ika nga. May matagumpay na karera. Wala nang hihilingin pa. Lahat na yata ng kaswertehan sa buhay ay nasa kanya na. Ngunit sa likod ng lahat ng iyan, mayroon pala siyang natatagong lihim… Lihim na hindi niya inaasahang mabunyag sa harap ng karamihan. Bakit nga ba sa dinami dami ng makikita at malalaman, yun pa?

“What Olivia wants, Olivia gets” Iyan ang pagyayabang niyang sambit sa katrabaho niyang si Mia. “Ako ang mahal niya, at wala akong pakialam kung may sabit siya. Akin na ngayon si Roland. Mas maganda kasi ako, kaya pinalitan siya. Masisisi ba niya ang asawa niya?” sabay ngiti kay Mia na may halong pagmamalaki sa kaniyang sarili. Si Roland, isa sa mga “Big time” client ng kanilang kumpanya na nakarelasyon niya. May sabit nga lang. “May katapusan din ang lahat ng yan, matakot ka Olivia sa karma” sabay sabi ni Mia, habang umiiling ang maliit niyang ulo, sabay tayo at patungo sa kaniyang lamesa katabi lang ng lamesang kinaroroonan ni Olivia. “Inggit ka lang…” sabay bulong ni Olivia na hindi na narinig ng kasamahang si Mia.

       Dumating ang araw na hindi niya inaasahan. Ang araw na guguhit sa kaniyang buhay at pagkatao. Ang babago sa kaniyang buhay. Pormang-porma siya papasok sa gusali ng kaniyang pinagtratrabahuhan… halos lahat ay napapatingin sa di pangkaraniwan niyang dating. Ang lakas talaga! Mapa babae man o lalaki ay napapalingon sa kanya. Nakataas ang kanyang mukha, todo ngiti sa sarili na alam niyang pinagtitinginan ng karamihan, suot ang paborito niyang semi- formal black dress, na humuhulma sa kumakampay niyang balakang habang siya ay naglalakad, sukbit ang signatured bag na paborito niyang pang opisina. Hinarang siya ni Mia sabay sabing “may naghihintay sayong client sa table mo” Sabay ngiti ni Olivia habang binabagtas ang kinaroroonan ng kanyang lamesa.

          Nagulat na lang siya ng makita niya ang taong naghihintay sa kanya. May katabaan ito at medyo may katangkaran. Ngunit makikita mo na may sinasabi siya sa buhay. Sa amoy pa lang na pang mayaman at sa uri ng kanyang pananamit na puting slacks na tinernuhan ng mamahaling off-shoulder na itim na blouse. Napatingin siya sa mga mata nito, nakasalubong ang mga kilay. “MIriam” ang tanging nabulalas lang ni Olivia. Isang matalim na ngiti ang sinagot sa kanya ng babae sabay sabing “Ilang beses ko na sayong sinabi na layuan mo ang asawa ko. Pero talagang matigas ka. Ito ang bagay sayo!” Sabay sampal kay Olivia sa mamula mula niyang pisngi sanhi ng makapal na blush on na nilagay niya sa kanyang mukha. Halos lahat ng kaopisina niya ay nagulat hindi lamang sa pagkakasampal sa kanya ng babae… ang nakakagulantang pa na nangyari ay ang pagtalon ng kaniyang pustiso mula sa kanyang naglalakihang mga gilagid. “Whoaahhhhhhh” ang sabay sabay na nasabi ng kanyang mga kasamahan, habang nakatingin sa pustisong humagis mula sa itaas papunta sa tiles na sahig ng kanilang opisina. “How dare you!” galit na sabi ni Olivia, akmang sasabunutan si Miriam, ang naging sanhi ng pagtilampon ng kanyang porselanang pustiso, sanhi ng pagkakasampal nito. Pero hindi nagpadaig ang matapang na asawa ni Roland, inunahan na siya sa paghablot sa kanyang itim at mahabang buhok, at dumadausdos ang kanyang katawan sa sahig. Hinila ni Miriam ang kanyang paa, hinawakan ang high heeled black shoes na sapatos ni Olivia, at sa di inaasahang pangyayari natanggal ito.

          Biglang umalingasaw sa air-conditioned room ang masangsang na amoy na hindi mawari… katulad ng amoy ng isang patay na daga… o kuyukot ng puwit… ang baho talaga! Halos lahat ng nasa opisina ay napatakip ng ilong sanhi ng kabahuang naamoy nila. “ang baho!” hindi na napigilang banggit ng isang lalaking nagtratrabaho sa opisina rin na iyon,na nakikiusyoso rin sa mga nangyayari.

Kahit si Miriam ay napabitaw sa hawak niyang sapatos, sabay amoy sa kanang kamay na pinaghawakan nito. “eowww ang baho!!! Magpagamot ka muna ng alipunga mo bago ka kumabit sa asawa ng may asawa!” Sabay labas ni Miriam ng alcohol mula sa kaniyang mamahaling black leather bag, pinahid sa kamay sabay walk-out. Hindi maiwasang magtawanan ng mga kasamahan ni Olivia sa opisina.

        Si Olivia, noon na kinaiinggitan ng karamihan, ngayon laman ng ng usap-usapan, dahil sa kahihiyang inabot at di niya inaasahan.

       Sariwa pa ang mga tawanan ng mga tao sa paligid niya sa isipan ni Olivia. Si Olivia na nakaupo sa kanyang paboritong silya, hawak ng mahigpit ang mamahaling pulbos na binili pa niya sa isang drugstore malapit sa tinitirhan niya. Ang pulbos na makakapagpagamot sa nakakahiya niyang alipunga.

Lahat ng kagandahang nakikita ng mata ay may taglay ding kapangitan sa ilalim ng maskara.

-Lhen

Advertisements

One response to ““Sikretong Malupit”

Subscribe to comments with RSS.

  1. hehhe, sikretong malupet!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: