“Bulalakaw”   Leave a comment

Grainy B&W image of supposed UFO, Passoria, Ne...

Image via Wikipedia

           Naalala ko pa noong maliit pa ako, nang makaugalian kong lumabas ng gabi, hawak ang aking paboritong manika, sabay tingala sa kalangitan, upang tignan ang mga bituin na nagniningning sa kalangitan at umaasang may bulalakaw na magdadaan. Naghihintay ako ng bulalakaw dahil naniniwala ako ng mga panahong iyon na isang bulalakaw ang magtutupad ng aking mga kahilingan. Sabay sa malamig na simoy ng hangin, ipinikit ko ang aking mga mata sabay isip ng aking mga hiling, kapag may dumating na bulalakaw. Ano- ano nga ba ang mga kahilingan ko noon? Simple lang, na sana makakita ako ng UFO, kasi sabi ng mga kalaro ko, may nakikita silang UFO sa gabi na lumilipad na napakaliit na bituin na lumalakad sa langit. Ang hiling ko ay sana, katulad nila, ay makakita din ako ng UFO na lumilipad sa langit. Pangalawa kong hiling? Maging si Pink 5 ng paboritong kong palabas na “Bioman” pakiramdam ko noon na may kapangyarihan din akong natatago, na hindi ko mailabas labas at alam ko, ako ang nawawala nilang kasamahan sa Bioman. Pangatlo kong hiling, maging isa sa cast ng “Ang TV” na kung saan ang mga kabataan ang bida sa programang iyon. Pakiramdam ko nga, na ako si Jolina Magdangal noong mga panahong iyon. Pang apat kong hiling, na sana ibili na ni Nanay ang laruang telepono na nakita ko sa palengke nung sinama niya akong mamalengke. Sa kasamaang palad, walang bulalakaw akong nakita, hanggang sa pinapasok na ako sa loob ng bahay upang matulog na. At sa aking isipan, na bukas ulit, ako ay lalabas para maghintay ng bulalakaw, at sabihin ang aking mga kahilingan.

         May mga pagkakataong, sa aking paghihintay ay may nakikita akong bulalakaw, at natupad naman ang isa kong hiling, binili ni Nanay ang laruang telepono. Ang galing talaga ng bulalakaw, nagkaroon ako ng laruang telepono, pero ang maging Pink 5 sa Bioman at maging “ang TV” cast at makakita ng UFO ay hindi pa niya tinutupad. Bukas ulit ng gabi ako ay maghihintay.

          Hanggang sa ako ay lumaki at nagkaisip, dun mo lang pala makikita kung gaano kasarap maging isang bata. Kung pwede nga lang iurong ang panahon, at habang buhay maging bata na lang ulit, na walang ibang iniisip kung hindi ang makakita ng bulalakaw, at humiling na makakita ng UFO, maging “Ang TV” cast, o masama sa Bioman, mabili ang gusting laruan… ang sarap siguro ng buhay. Ngunit hindi natin mapipigil ang panahon, kaya habang ako ay nagkakaisip, at namumulat sa reyalidad, naiiba rin ang aking pananaw, naiiba ang aking paniniwala.

        Lumalabas pa rin ako sa gabi, katulad ng nakaugalian ko noong ako ay maliit pa, upang lumanghap ng sariwang hangin sa labas ng bahay namin, at ugali ko pa rin tumingin sa kalangitan, at tignan ang mga bituin, naghihintay pa rin ako ng bulalakaw, hindi upang humiling, kundi alalahanin ang masasayang alaala, at dahil sa aking paghihintay ng bulalakaw, doon ko naiisip ang aking mga pangarap, ang mahahalagang tao sa buhay ko, ang masasayang bagay na naiisip ko, problema man o tagumpay. Hanggang sa mamalayan ko, na wala pa rin dumadating na bulalakaw, bukas ulit ng gabi… ako ay lalabas, at maghihintay ng bulalakaw…

Advertisements

Posted March 11, 2011 by ♥´¨`•.LHEN.•´¨`♥™ in Short Stories

Tagged with ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: